Lalaki, nabiktima ng basag kotse gang sa Quezon City; 500 libong halaga ng gadgets, tinangay

Makati City – Nabiktima ang isang lalaki ng basag kotse gang nitong Huwebes sa Makati City.

Tinatayang aabot sa limang daang libong pisong halaga ng mga gadgets kabilang ang iphone, ipad pro, laptop, at macbook ng biktimang kinilalang si Ricky.

Ayon sa biktima, kinuha ng lalaki ang isang paperbag na nasa loob ng kanyang kotse at naglalaman ng mga naturang gamit.


Nabatid na walang CCTV sa paligid kung saan nangyari ang pagnanakaw.

Depensa naman ng barangay chairman ng Cembo na si Paul Leonardo Magpantay, madalas dalawang beses sa isang araw sila nag-iikot gamit ang kanilang patrol kaya naman sinigurado nila na hindi na muli itong mangayayari pa.

Facebook Comments