Kalaboso ang magkapatid na di umano’y pekeng dentista sa isinagawang entrapment operation ng awtoridad sa Urdaneta City.
Huli sa akto ang dalawa habang nagsasagawa ng umano’y illegal dental operation sa isang plaza market sa nasabing lungsod.
Napag-alamang walang lisensya ang operasyon mula sa Professional Regulation Commission (PRC) maging sa Philippine Dental Association (PDA).
Nakumpiska ang mga gamit at paraphernalia sa isinasagawang dental operation.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang dalawa para sa tamang disposisyon.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments