MAGNANAKAW? | Jing Paras, walang kredibilidad at magnanakaw ng cellphone – ayon kay Senator Trillanes

Manila, Philippines – Tahasang sinabi ni Senator Antonio Trillanes IV na walang kredibilidad si Labor Undersecretary Jacinto Paras at magnanakaw pa umano ng cellphone.

Reaksyon ito ni Trillanes, makaraang sampahan sya ni Paras ng reklamo sa Pasay City Prosecutor’s Office dahil sa pagbabanta umano sa buhay nito.

Base sa reklamo ni Paras, habang sya ay nasa loob ng session hall ay nilapitan siya ni Trillanes at binantaang yayariin.


Pero ayon kay Trillanes hindit ito totoo at guni guni lang ni Paras.

Kwento ni Trillanes, kakamayan sana sya ni Paras pero hindi niya tinanggap dahil hindi niya gusto na makikipagkamay ito sa kanya na parang walang ginawang masama kahit sinampahan sya nito ng kaso noon.

Ayon kay Trillanes, sinabihan niya si Paras na siguraduhing panghabambuhay na nakapwesto si Pangulong Duterte.

Nagrequest na rin si Trillanes ng kopya ng CCTV footage ng nabanggit na pagkukrus ng landas nila ni Paras sa Senado.

Facebook Comments