Pinaigting ng Department of Public Works and Highways o DPWH Region 1 ang paglilinis ng mga kanal at pagtanggal ng mga ligaw na halamang nakaharang sa mga barandilya sa gilid ng mga kalsada bilang bahagi ng patuloy nitong maintenance operations.
Para ito sa pagpapanatiling malinis at walang sagabal ang mga daluyan ng tubig at mga kalsada upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.
Kabilang sa mga isinagawang gawain ang pagtanggal ng mga tumubong halaman at naipong basura sa mga kanal upang maiwasan ang pagbara at mapanatili ang maayos na daloy ng tubig.
Tinanggal din ang mga ligaw na halamang tumubo sa gilid ng mga kalsada, lalo na ang mga nakaharang sa mga barandilya na mahalaga sa kaligtasan ng mga motorista at iba pang gumagamit ng kalsada.
Bahagi ang mga operasyong ito na panatilihing malinis at maayos ang mga daluyan ng tubig, habang tinitiyak ang ligtas at maginhawang paglalakbay ng publiko. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








