Kabuuang 851 pamilya sa Dagupan City ang nagtapos na bilang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Kinilala ang mga pamilyang nagtapos sa programa sa isinagawang “Pugay Tagumpay,” na dinaluhan ng mga kinatawan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD, lokal na pamahalaan at mga benepisyaryo.

Ang pagtatapos o pag-exit sa 4Ps ay bahagi ng proseso para sa mga pamilyang nakamit na ang itinakdang antas ng well-being o hindi na kwalipikado sa programa batay sa umiiral na assessment at mga alituntunin.

Nakiisa sa aktibidad sina Vice Mayor Dean Bryan Kua, DSWD Provincial Monitoring and Evaluation Officer Rachel Habab, CSWD OIC Irene Ferrer, PDO II at City Action Team Leader Arlyn Salvatierra, kasama ang iba pang kawani ng DSWD.

Kinilala rin sa programa ang suporta ng DSWD Region 1 sa ilalim ni Regional Director Marie Angela S. Gopalan.

Ang 4Ps ay pambansang poverty reduction program na nagbibigay ng conditional cash grants sa mga kwalipikadong mahihirap na pamilya, partikular para sa pangangailangang pangkalusugan, nutrisyon at edukasyon ng mga bata.

Kasunod ng pagtatapos ng 851 pamilya, inaasahang magpapatuloy ang kanilang paglipat mula sa regular na pagtanggap ng benepisyo ng 4Ps tungo sa mas independenteng pamumuhay at iba pang programang maaaring makatulong sa pagpapanatili ng kanilang kabuhayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments