LOCAL ARTISANS NG PANGASINAN, TAMPOK SA PHILIPPINE CREATIVE INDUSTRIES MONTH 2026

‎Ipinagdiriwang ngayong Setyembre ang Philippine Creative Industries Month (PCIM) para kilalanin ang mga Pilipinong lumilikha sa iba’t ibang larangan ng creative industry.

‎Sa Pangasinan, kabilang sa binibigyang-pansin ang mga local artisans at MSME.

‎Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI) Pangasinan, mahalagang maisama ang mga produktong ito sa global market para mabigyan sila ng pagkakataong makilala.


‎Nagsasagawa ang DTI ng product development kung saan tinutulungan ang mga MSME na pagandahin ang disenyo at kalidad ng kanilang produkto.

‎Kasama dito ang pag-aaral sa pricing at pagsasanay sa negotiation techniques para ihanda ang mga negosyante sa pakikipag-ugnayan sa buyers.

‎Isa sa mga halimbawa nito ang Olly+Feli Buri Bags mula Bolinao, Pangasinan, na nagkaroon ng pagkakataong makilahok sa FASHIONPhilippines in New York 2026 trade showcase sa United States kasama ang iba pang produktong Pilipino.


‎Kaugnay nito, ang PCIM ay bahagi ng pagpapatupad ng Republic Act No. 11904 o Philippine Creative Industries Development Act. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments