Wednesday, September 9, 2026

Pagbasura ng QC prosecutor sa reklamo ni Mans Carpio, inaasahan na ni Rep. Chua

Inaasahan na ni House Prosecutor at Manila 3rd District Rep. Joel Chua ang pagbasura ng Quezon City Prosecutor’s Office sa reklamong isinampa ng mister ni Vice President Sara Duterte (VPSD) na si Atty. Manases Carpio laban sa paglalabas ng kanilang bank transaction records.

Diin ni Chua, maliwanag na ang kaso ni Carpio ay walang basehan at harassment o panggigipit lang laban sa pagtupad nila sa tungkulin kaya malinaw na mayroon silang immunity.

Bukod kay Chua ay kabilang sa inireklamo ni Carpio si House Lead Prosecutor Gerville Luistro at iba pang miyembro ng prosecution na sina Representatives Leila De Lima, Chel Diokno, at Terry Ridon.

Tiwala naman si Chua na dahil sa hakbang ng QC prosecutor ay wala ng magiging balakid para sa mga testigong haharap sa impeachment trial patungkol sa ikalawang Article of Impeachment o alegasyong may hindi maipaliwanag na yaman si VP Duterte.

Facebook Comments