Mahigit ₱2-M halaga ng shabu, nakumpiska sa 2 drug suspek sa Taguig

Arestado ang dalawang drug suspek sa Taguig matapos ang ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit, Northern Police District.

Kinilala ang dalawang naaresto na sina Halima Macalunas, 48 anyos at Ponggo Pagayao, 20 anyos.

Ayon kay NCRPO Regional Director MGen. Vicente Danao Jr., nakuha sa dalawa sa ikinasang operasyon ang nasa 300 gramo ng shabu na may standard drug price na ₱2,040.000.


Sa ngayon, nahaharap na ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehehsive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments