MAHIGIT ₱88K HALAGA NG SHABU, NASAKOTE SA ALAMINOS CITY

Arestado ang isang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga matapos ang matagumpay na search warrant operation na isinagawa ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO) sa pamamagitan ng Alaminos City Police Station noong May 25, 2026.

Sa ulat ng pulisya, ipinatupad ng magkasanib na operatiba ng Alaminos City Police Station, katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 1 (PDEA RO1) at iba pang law enforcement units, ang search warrant laban sa suspek kaugnay ng paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nagresulta ang operasyon sa pagkakaaresto ng isang 32 anyos na lalaki na kinilalang street-level individual na sangkot umano sa bentahan ng ilegal na droga.

Nasamsam sa operasyon ang walong heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng tinatayang 13 gramo at may standard drug price na ₱88,400.00.

Bukod dito, nakumpiska rin ang iba’t ibang drug paraphernalia na pinaniniwalaang ginagamit sa pagbabalot at distribusyon ng ilegal na droga, at iba pang kaugnay na kagamitan.

Dinala ang naarestong suspek at lahat ng nakumpiskang ebidensya sa Alaminos City Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon habang inihahanda na ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa kanya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments