CITY SCHOLARSHIP PROGRAM SA ALAMINOS, INAASAHANG MAKATUTULONG SA LIBO-LIBONG ESTUDYANTE

Matagumpay na isinagawa kahapon, May 24, ang unang araw ng pamamahagi ng application forms para sa Alaminos City Scholarship Program para sa School Year 2026-2027 na ginanap sa isang Convention Center sa lungsod ng Alaminos.

Maaga pa lamang ay dagsa na ang mga incoming at kasalukuyang college students Bitbit ang kani-kanilang requirements tulad ng valid ID o birth certificate na nais makapag-apply sa scholarship program ng pamahalaang lungsod.

Ayon sa City Scholarship Office, ang programa ay eksklusibo lamang para sa mga residente ng Alaminos City at layuning matulungan ang mas maraming kabataan na maabot ang kanilang mga pangarap sa kabila ng tumataas na gastusin sa kolehiyo.

Dagdag pa rito, Maaari pa ring kumuha ng application forms ang mga hindi nakaabot sa City Mayor’s Office mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, hanggang June 30, 2026. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments