Unang sumuko ang isang 60 anyos na babae na dating miyembro ng TIMMAWA sa Barangay San Rafael West, San Nicolas. Pinangasiwaan ng 2nd Pangasinan PMFC kasama ang iba pang police units ang kanyang pagsuko. Sumailalim siya sa debriefing at lumagda sa pledge of allegiance sa pamahalaan.
Tumanggap din siya ng isang sako ng bigas, grocery items na nagkakahalaga ng ₱2,000, at ₱1,000 cash assistance.
Samantala, isang 54 anyos na lalaki na dating miyembro ng UUECGMR na iniuugnay sa KMP at ANAKPAWIS ang sumuko rin sa Barangay San Gabriel 2nd, Bayambang.
Pinangunahan ng iba’t ibang police units ang kanyang boluntaryong pagsuko at panunumpa ng katapatan sa gobyerno. Binigyan siya ng grocery items at limang kilo ng bigas bilang tulong.
Ayon sa pulisya, bahagi ito ng patuloy na programa ng pamahalaan upang hikayatin ang mga dating kaanib ng mga grupong inuugnay sa CTG na suportahan ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










