
Mahigit 1,400 pulis mula sa national headquarters ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame ang inaasahang boboto sa local absentee voting (LAV) para sa nalalapit na May 2025 elections simula ngayong araw.
Ayon sa PNP Public Information Office, kabuuang 1,471 na mga personnel mula sa Command Group, Directorial Staff at National Support Units ang nakatakdang lumahok sa LAV.
Boboto ang mga ito sa national positions lamang.
Isasagawa ang botohan mula April 28 hanggang April 30, 2025, mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.
Layon ng local absentee voting na bigyang pagkakataon ang mga pulis, sundalo at iba pang miyembro ng government workforce na naka-deploy sa kanilang mga tungkulin sa araw ng halalan na maagang makaboto.
Facebook Comments