MAHIGIT 2,700 RESIDENTE NG BONUAN GUESET, TUMANGGAP NG TULONG

Mahigit 2,700 residente ng Barangay Bonuan Gueset ang nakatanggap ng ayuda mula sa pamahalaan nitong Huwebes, Agosto 27, 2026, bilang bahagi ng patuloy na pagtugon sa mga pamilyang naapektuhan ng mga nagdaang bagyo at Habagat.

 

Kabilang sa ipinamahagi sa mga benepisyaryo ang tig*-*5-kilogram na bag ng bigas at grocery packs na naglalaman ng mga pangunahing pagkain tulad ng canned goods, noodles, kape, at maging bigas.

 

Layunin ng distribusyon na makatulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga residente, lalo na ang mga pamilyang nakaranas ng epekto ng masamang panahon nitong mga nakaraang linggo.

 

Patuloy naman ang pamahalaan sa paghahatid ng tulong sa iba’t ibang komunidad na nangangailangan ng suporta kasunod ng mga pag-ulan, bagyo at Habagat.

 

Ang naturang relief assistance ay bahagi ng patuloy na pagsisikap na matugunan ang pangangailangan ng mga apektadong residente at matiyak na hindi sila mapapabayaan sa gitna ng mga pagsubok na dulot ng kalamidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments