Mahigit 300 indibidwal na naapektuhan ng pagbaha mula sa iba’t ibang barangay ng Dagupan City ang tumanggap ng hygiene kits at bottled water mula sa Office of Civil Defense (OCD) noong Agosto 28, 2026.
Kabuuang 350 hygiene kits at 350 bottled water na tig-6.6 litro ang ipinamahagi sa mga benepisyaryo.
Ayon kay Civil Defense Deputy Administrator for Operations, Assistant Secretary, at Acting OCD Region 1 Director Laurence Mina, naglalaman ang mga hygiene kit ng toothpaste, toothbrush, sabon, nail cutter, tuwalya, at sanitary napkins.
Nagpaabot naman ng malaking pasasalamat ang mga benepisyaryo, kabilang si Nanay Erlinda, sa natanggap na tulong.
Ikinatuwa rin ni Aling Gema ang ayuda, lalo’t aniya, mahirap maghanapbuhay kapag maulan at sinasamahan pa ng pagbaha.
Kasama sa programa ang mga kawani ng Sangguniang Panlungsod ng Dagupan, ilang barangay captain, CDRRMO, Dagupan BFP, at DCPO. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments