Patuloy ang pamamahagi ng ayuda sa mga residenteng apektado ng kalamidad sa bayan ng Infanta, Pangasinan.
Sa ngayon, nai-endorso at nakuha na ng ilang barangay ang kanilang suplay ng bigas na nakalaan para sa kanilang mga residente.
Kabilang dito ang Barangay Doliman na nakatanggap ng 112 sako, Maya na may 91 sako, Cato na may 343 sako, Bamban na may 243 sako, Nayom na may 119 sako, at Patima na may 232 sako.
Bawat sako ay naglalaman ng 25 kilo ng bigas, na nakalaan para sa pamamahagi ng tig-limang kilo sa bawat pamilya.
Hinihikayat naman ang mga residente ng mga nabanggit na barangay na makipag-ugnayan sa kanilang barangay upang malaman ang iskedyul, oras, at lugar ng pamamahagi.
Pinaaalalahanan din ang mga benepisyaryo na sundin ang mga itinakdang alituntunin at magdala ng kinakailangang authorization letter kung kinatawan ang kukuha ng ayuda para sa pamilya.
Patuloy naman ang panawagan ng lokal na pamahalaan sa mga residente na makipag-ugnayan sa kanilang barangay para sa iba pang impormasyon hinggil sa pamamahagi ng ayuda. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
###

Facebook Comments