Mahigit 400-K na halaga ng shabu, nasamsam sa Pasig City

36

Nasabat ng mga otoridad ang 60 grams na umano’y shabu na may katumbas na halagang ₱476,000 sa isang buy-bust operation na ginawa sa E. Mendoza St., Brgy. Malinao, Pasig City pasado alas-12:30 kaninang madaling araw.

Arestado ang dalawang tulak umano ng ipinagbabawal na droga na sina Allen Dela Torre Bajoyo, 31-anyos at isa sa mga identified high-value individual at Samuel Reyes Santos, alyas “Libron”, 27-anyos at kasama sa Pasig drugs watch list.


Kinuha rin ng mga otoridad ang dala-dala ng mga suspek na maliit na timbangan at ang motorsiklo na gamit ng suspek na si Libron.

Ang nasabing operasyon ay ginawa matapos makumpirma ang operasyon ng mga suspek kaugnay sa ipinagbabawal na droga na pinangunahan ng Pasig City Police Station Drugs Enforcement Unit.

Nakakulong na ang mga suspek sa police station custodial facility ng lungsod at nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments