Dumadaing ngayon ang ilang vendor ng school supplies sa Bayambang dahil sa epekto ng tuloy-tuloy na pag-ulan na umano’y nagdudulot ng pagkabasa sa kanilang mga paninda at pagbaba ng kanilang kita.
Dahil dito, agad na nakipagpulong ang Special Economic Enterprise ng bayan upang dinggin ang kalagayan ng mga vendor at talakayin ang mga agarang hakbang na maaaring ipatupad upang matulungan ang mga manlalako.
Kabilang sa mga napag-usapan ang pagbibigay ng agarang aksyon at mga posibleng solusyon upang maprotektahan ang mga paninda ng mga vendor at matiyak ang kanilang maayos at ligtas na pagtitinda sa gitna ng masamang panahon.
Samantala, ipinagpapatuloy naman ng lokal na pamahalaan ang mahigpit na pagpapatupad ng mga umiiral na ordinansa sa bayan, lalo na sa usaping seguridad at kaayusan sa trapiko. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










