Mahigit 4,000, bagong gumaling sa COVID-19

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 4,029 na gumaling sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 2,735,508 ang kabuuang COVID-19 recoveries sa bansa.

Nasa 2,646 ang karagdagang kaso kaya pumalo na sa 2,809,311 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit.


Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso, 1.0% o 29,138 ang aktibong kaso ngayon sa bansa.

99 naman ang pumanaw kaya umabot na sa 44,665 ang kabuuang COVID-19 related deaths.

Facebook Comments