DEDMA | RR Enriquez, nilinaw na hindi siya nagmamadaling magpakasal

61

Dedma lang ang TV host/model na si RR Enriquez, kahit na hindi pa siya niyayayang magpakasal ng longtime boyfriend at retired PBA player na si Jayjay Helterbrand.

Say ni RR, hindi siya nagmamadaling makasal sila ni Jayjay lalo na at marami pa siyang pangarap sa buhay.

Pabirong pa nitong sinabi na siya ang hinihintay ng nobyo na mag-initiate na lumagay sila sa tahimik.

Nabatid na nine years na magkarelasyon sina RR at Jayjay

Sa ngayon ay tatlong taon nang bakante sa showbiz si RR pero abala siya sa sariling negosyo na nail and skincare spa salon.

Facebook Comments