MGA SUMISIGAY SA DAGUPAN CITY NA APEKTADO NG HABAGAT AT BAGYO, NABIGYAN NG TULONG

Umabot sa 381 ng sumisigay mula sa walong barangay sa Dagupan City ang nakatanggap ng grocery assistance bilang tugon sa epekto ng Habagat at mga nagdaang bagyo.

 

Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga residente ng Bonuan Binloc, Bonuan Gueset, Pantal, Salapingao, Lomboy, Pugaro, Calmay at Carael.

Naglalaman ang ibinahagi ng mga pangunahing grocery items upang makatulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad.

 

Layunin ng ayuda na maibsan ang epekto ng kalamidad sa mga apektadong residente at makatulong sa kanilang pagbangon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments