
Binuksan na ng Judicial and Bar Council (JBC) ang aplikasyon para sa mababakanteng posisyon ng associate justice ng Korte Suprema.
Ito ay dahil sa napipintong pagreretiro ni Associate Justice Amy Lazaro-Javier sa November 16.
Ayon sa JBC, bukas ang aplikasyon hanggang unang araw ng Oktubre at maaaring magsumite ng kanilang aplikasyon ang mga interesadong maging mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman.
Maaari itong isumite online sa JBC oras sa pamamagitan ng Philippine Judiciary portal.
Layon ng pagbubukas ng aplikasyon na mapunan agad ang posisyon para hindi maantala ang operasyon ng SC at maiwasan na maapektuhan ang mga nireresolbang kaso sa korte.
Isusumite naman ng JBC ang shortlist ng mga qualified candidates para pagpilian ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.










