Mahigit 6-M halaga ng shabu nasabat sa dalawang naarestong suspek sa buy-bust operation sa Parañaque City

Humigit kumulang ₱7-M halaga ng shabu ang nasabat mula sa dalawang hinihinalang tulak ng illegal na droga sa isinagawang drug buy-bust operation ng pinagsanib pwersa ng SOU 4A, Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG), SDEU at Paranaque CPS & Police Sub-station 4 Parañaque CPS sa Amvel C5 Rd., Extention, Brgy. San Dionisio, Parañaque City.

Kinilala ang mga suspek na sina Vicco Antonio Rodriguez 26 years old at Janelle Pagayon y Catalan 24 yrs old residente ng 24 Pegasus St. Crestview Subd. Brgy. Cupang, Antipolo City.

Nakumpiska ng mga otoridad mula sa mga suspek ang tinatayang aabot sa 1 kilong hinihinalang shabu na may street value na aabot sa ₱6,900,000 ang halaga nito at 13 bundle na buy-bust money.


Pansamantalang nasa kustodiya ng Special Operation Unit (SOU) Region 4A PNP Dug Enforcement group ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Facebook Comments