Mahigit 600 aftershocks, naitala matapos ang magnitude 6.4 na lindol sa Abra!

Nakapagtala na ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng mahigit 600 aftershocks kasunod ng magnitude 6.4 na lindol sa Abra.

Batay sa monitoring ng PHIVOLCS, mula sa naturang nangyaring pagyanig, 128 ang plotted o naitala ng mga intrumento, habang pito ang naramdaman ng mga residente.

Ayon pa sa PHIVOLCS, karamihan sa mga naitalang pagyanig ay nasa 1.4 hanggang 4.8 ang magnitude ng mga naitalang aftershocks.


Kasunod nito, sinabi ng PHIVOLCS na posibleng maramdaman pa ang mga aftershocks sa mga susunod pang linggo.

Facebook Comments