Friday, October 23, 2026

Mahigit 6,000 pamilya ang naapektuhan ng Bagyong Luis – NDRRMC

Umabot sa kabuuang 6,316 na pamilya ang napaulat na naapektuhan ng Bagyong Luis ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Dagdag pa ng NDRRMC, ang 7 lugar mula sa Zamboanga Peninsula at BARMM ang naapektuhan ng nasabing bagyo.

Samantala, nasa 477 na mga pasahero, 47 rolling cargos at 5 vessels naman ang naitalang stranded sa Region 5 at CALABARZON.

Patuloy naman ang pangangalap ng mga otoridad sa datos ng mga naaapektuhan ng Bagyong Luis.

Facebook Comments