Umabot sa 1,483 na indibidwal ang nahuli ng kapulisan sa Pangasinan dahil sa paglabag sa ipinatutupad na Safer Cities initiative ng Department of the Interior and Local Government.
Batay sa datos hanggang Abril 16, pinakamarami ang lumabag sa curfew ng mga menor de edad—may kabuuang 714 na kaso, mula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw.
Sumunod naman ang pag-inom ng alak sa mga pampublikong lugar na umabot sa 688 violators.
Samantala, 81 naman ang nahuli dahil sa paglalakad sa labas nang walang suot na pang-itaas.
Sa isang panayam kay Police Captain Aileen Catugas, binigyan lamang ng babala ang mga nahuli dahil karamihan ay first-time offenders.
Samantala, inihayag naman ni Police Colonel Arbel Mercullo na malaking tulong ang mga barangay force multipliers sa pagbabantay at pagpapanatili ng kaayusan sa komunidad.
Panawagan ng pulisya sa publiko na makipagtulungan at sumunod sa mga alituntunin upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa Pangasinan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










