Mahigit isang libong silid-aralan, nasira dahil sa paghagupit ng Bagyong Tino

Tinatayang aabot sa mahigit isang libong classrooms ang nasira bunsod ng paghagupit ng Bagyong Tino sa ilang rehiyon sa bansa.

Base sa huling inilabas na situational report ng Department of Education Disaster Risk Reduction and Management Service (DepEd DRRMS), 633 sa mga ito ay may minor damage, 275 naman ay may major damage, at 267 ay totally damage.

Dahil sa pananalasa ng bagyo, mahigit pitong milyong mag-aaral at 332,276 na kawani ng DepEd pa rin ang apektado.

Kung saan 18,281 na mga pampublikong paaralan mula sa 106 na division sa labing isang rehiyon ang nagdeklara ng class suspension.

Kaugnay nito, 2,564 na mga classrooms mula sa 535 na paaralan sa pitong rehiyon ang kasalukuyan pa ring ginagamit bilang evacuation centers.

Dahil dito, aabot na sa mahigit 30 milyong piso ang kinakailangang pondo para sa pagsasaayos at paglilinis sa mga nasirang silid aralan.

Facebook Comments