
Matagumpay na nasamsam ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) sa isinagawang Nationwide Anti-Drug Operations ang mahigit P16 na milyong halaga ng hinihinalang shabu noong May 11 at 12.
Kung saan ang pinakamalaking operasyon ay patungkol sa pagkadiskubre ng isang abandonang inbound na parcel ng hinihinalang may lamang shabu at may timbang na 974 grams.
Tinatayang nasa P6.6 million ang halaga nito at ito ay nakuha sa Cargo Area sa loob ng Clark Freeport Zone.
Nahuli naman ang tatlong suspek sa Cebu, Iloilo, at Rizal kung saan nasamsam sa kanila ang kabuaang 934 grams ng hinihinalang shabu na may estimated price na P6.3 million.
Habang dalawang suspek naman ang naaresto ng mga awtoridad sa Catanduanes at nakakumpiska sila ng 500 grams ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga naman ng P3.4 million.
Sa ngayon ang mga nahuling suspek at mga nakumpiskang ilegal na droga at ebidensya ay tinurn-over na sa angkop na mga awtoridad para sa dokumentasyon at legal na disposisyon.










