
Pumalo na sa kabuuang P239.6 million ang halaga ng pinsala sa mga silid aralan ang naitala ng Department of Education o DepEd dahil sa pagtama ng habagat at Bagyong Maymay.
Ayon sa DepEd, nasa 4,890 na mga silid-aralan sa ngayon ang nagkaroon ng minor damage dahil sa nagdaang bagyo at habagat.
Mayroon namang naitalang major damage na 1,730 at 1,655 totally damaged sa 1,411 schools.
Nakapagsagawa na rin ng clean-up at clearing operation ang DepEd sa 1,411 na paaralan at mayroong nagamit dito ang Education Department na P41.28 million.
Samantala, nasa 922 classrooms sa 240 na mga paaralan ang ginamit ngayong evacuation center para sa 7,726 na pamilya.
Pinakamarami rito ang nagamit sa Region 3 o Central Luzon na 132 classrooms; Region IV-A o Calabarzon, 51; Ilocos Region, 27; National Capital Region (NCR), 10; Region 8 o Eastern Visayas, siyam; Cordillera Administrative Region (CAR), anim at MIMAROPA, lima.










