
Para kay House Prosecution Adviser and Spokesperson Robert Ace Barbers, hindi kailangang magpahayag ng posisyon o opinyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kinakaharap na impeachment case ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Barbers, mainam na hindi nagsasalita at nakiki-alam si Pangulong Marcos sa proseso ng impeachment laban kay VP Sara.
Paliwanag ni Barbers, dapat hayaan ang mga senator-judges na magpasya dahil ang lehislatura lalo na ang impeachment court ay independent o hiwalay sa ehekutibo.
Dagdag pa ni Barbers, makabubuti rin na irespeto at tanggapin ng pangulo ang anumang magiging hatol ng mga senator-judges at ng buong impeachment court hinggil sa nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Duterte.
Facebook Comments










