Sa Barangay Malued, mahigit 1,940 pamilya ang nabigyan ng food packs, habang mahigit 1,100 pamilya naman sa Barangay Bacayao Norte ang nakatanggap ng ayuda sa parehong araw.
Ang karagdagang mahigit 1,100 food packs para sa Bacayao Norte ang nagdala sa kabuuang bilang ng mga pamilyang nabigyan sa dalawang barangay sa mahigit 3,040.
Kabilang sa mga nagsagawa ng relief operation noong Agosto 12 ang DSWD, Sangguniang Panlungsod, DSWD Angels in Red Vests, City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), mga barangay captain, Dagupan City Police Office (DCPO), Bureau of Fire Protection at mga boluntaryo sa barangay.
Ayon sa lungsod, limang barangay ang napuntahan ng relief operation team noong araw na iyon.
Isinagawa ang pamamahagi kasunod ng mga epekto ng Southwest Monsoon (Habagat) at mga nagdaang bagyo, na nakaapekto sa mga komunidad sa lungsod.
Ang relief distribution ay isinagawa sa suporta ng DSWD national office at DSWD Field Office I. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








