RDRRMC-1, PINAIGTING ANG PAGHAHANDA LABAN SA BAHA AT LANDSLIDE SA REHIYON UNO

Patuloy ang mahigpit na pagbabantay ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) 1 kasama ang iba pang ahensya sa epekto ng Tropical Depression Maymay pati na rin sa iba pang nararasanang sama ng panahon sa rehiyon uno.

Ayon sa ibinahagi ni Engr. Loui Vergara ng PAGASA, simula alas otso ng umaga nang August 5, 2026 hanggang alas atso ng umaga, kahapon, August 6, 2026, nakapagtala ng 180.7 mm na total rainfall sa bahagi ng DMMMSU – Bacnotan, La Union, 115.2 mm sa Sinait, Ilocos Sur, habang 91.8 mm naman sa MMSU – Batac, Ilocos Norte.

Ayon naman sa tala ng Mines and Geosciences Bureau – Regional Office 1, nasa 3,165 ang bilang ng mga barangay na apektado ng rain-induced landslide at pagbaha.

Pinakamarami sa Pangasinan na nasa 1,341, Ilocos Sur na may 721, La Union na may 558, at Ilocos Norte na nasa 545.

Dagdag ng tanggapan, dapat na matutukan ang mga lugar sa mga nabanggit na probinsya na posibleng makaranas ng landslide at pagbaha pati na rin ang mga residente malapit sa mga binabantayang kailugan upang maiwasan ang panganib tulad ng flashfloods.

Nagbigay katiyakan naman ang Department of Social Welfare and development Region 1 na may naka-prepositioned na food packs na nakatalaga sa ibat ibang warehouses sa rehiyon uno upang agad na mabigyan tugon ang mga nangangailangang areas of concern sa mga probinsya sa rehiyon uno. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments