MAKABAGONG KAGAMITAN, IPINAGKALOOB SA MGA PAMPUBLIKONG PAARALAN SA BAYAMBANG

Mas mapapahusay ang pagtuturo at pamamahala sa mga pampublikong paaralan sa Bayambang matapos magkaloob ang Local School Board (LSB) ng mahigit P1.27 milyong halaga ng mga laptop at printer para sa mga guro at paaralan sa bayan.

‎Pinondohan mula sa Special Education Fund (SEF), ang kabuuang P1,272,780 halaga ng school equipment ay binubuo ng 36 printers at 18 laptops na ipinamahagi sa mga pampublikong paaralan bilang bahagi ng patuloy na pagsuporta ng lokal na pamahalaan sa sektor ng edukasyon.

‎Tinanggap ng mga school head at kinatawan ng mga paaralan ang mga kagamitan. Nakakuha ang mga paaralan sa Bayambang I ng 32 printers at dalawang laptops, habang tumanggap ang Bayambang II ng isang printer at 14 laptops. Samantala, tatlong printers at dalawang laptops naman ang ipinagkaloob sa Don Teofilo Mataban Memorial School.


‎Samantala, pagtugun umano ito sa lumalaking pangangailangan ng mga pampublikong paaralan at higit pang mapalakas ang kalidad ng edukasyon sa Bayambang. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments