Monday, July 6, 2026

Pag-aresto kay Senator Marcoleta at impeachment trial kay VP Duterte, magkahiwalay na proseso at walang kaugnayan sa isa’t isa

Nanindigan ang House prosecution panel na hindi dapat makaapekto sa impeachment trial kay Vice President Sara Duterte ang pag-aresto kay Senator Rodante Marcoleta dahil sa kasong pluder.

Ayon sa mga tagapagsalita ng prosekusyon na sina Representatives Zia Alonto Adiong, Renee Co, at Atty. Benjamin Tolosa, magkahiwalay na proseso at walang kaugnayan sa isa’t isa ang legal na isyung kinahaharap ni Marcoleta at ang paglilitis kay VP Duterte.

Kanila ding binigyang-diin na nangyari ang pagtanggap ni Marcoleta ng 75 million na campaign donations noong 2025 midterm elections.

Ayon kina Adiong, Co, at Tolosa, naganap ito bago pa man ma-iakyat sa Senate Impeachment Court ang articles of impeachment kaya hindi ito dapat makadiskaril sa napipintong pagsisimula ng trial ngayong araw.

Facebook Comments