Malacañang, dumipensa sa ulat ng Philippine Institute for Dev’t Studies na kulelat ang bansa pagdating sa transport infrastructure

Tiniyak ng Malacañang na patuloy ang pagsisikap ng pamahalaan upang mapabuti ang sistema ng transportasyon sa bansa.

Ito’y kasunod ng ulat ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) na nahuhuli ang Pilipinas kumpara sa mga karatig-bansa sa ASEAN pagdating sa transport infrastructure.

Ayon kay Presidential Communications Office o PCO USec. at Palace Press Officer Atty. Claire Castro, hindi naman tumitigil ang gobyerno sa pagpapatupad ng mga proyekto para mapabuti ang imprastruktura ng transportasyon sa bansa.

Bagama’t may ilang factor aniya na nagiging sanhi ng pagkaantala ng ilang proyekto, ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng makakaya upang matupad ang mga pangako nito sa publiko.

Sa kasalukuyan, patuloy ang isinusulong na malalaking proyekto ng administrasyong Marcos tulad ng PUV Modernization Program, railway expansion, road network improvements, at iba pang inisyatibo na magpapadali ng biyahe ng publiko at mapaunlad ang ekonomiya ng bansa.

Facebook Comments