
Matagumpay na nasagip ng Philippine National Police (PNP) Anti-Kidnapping Group katuwang ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at National Capital Region Police Office (NCRPO) ang dinukot na 14 na taong gulang na estudyante na nag-aaral sa isang high end private school sa Bonifacio Global City sa Taguig.
Ayon sa PNP, natagpuan sa Macapagal Avenue, Parañaque City kagabi Pebrero 25, 2025 ang dinukot na estudyante.
Agad na naibalik ang menor de edad sa kanyang ama at dinala sa ospital para sa medical examination.
Binigyang-diin din ng PNP na walang ransom na ibinayad sa mga dumukot sa estudyante.
Patuloy rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang malaman ang buong detalye ng insidente at matukoy ang mga nasa likod nito.
Matatandaang dinukot ang bata noong Feb 20, 2025.
Samantala, magkakaroon ng isang press conference ang PNP mamaya upang magbigay pa ng karagdagang detalye hinggil sa nasabing insidente.