Senado, iminungkahi na sunod na suriin ang epekto ng PIGO

Hiniling ni Senate President Chiz Escudero na sunod namang pag-aralan ang epekto ng PIGO o ang Philippine Inland Gaming Operations.

Ang PIGO ay inshore na nangangahulugang na dito lamang sa loob ng bansa at ang mga nagsusugal dito ay mga Pilipino.

Puna ni Escudero, tinanggal ang POGO at ipinagbawal ang pagsusugal ng mga dayuhan habang ang PIGO na mga Pinoy ang manunugal ay pinapayagan naman.

Iminungkahi ng mambabatas na kung may susunod na hakbang na dapat gawin ang pamahalaan ay suriin at pag-aralan ang epekto ng PIGO sa mga Pilipino.

Mababatid na unang nasita ang PIGO sa imbestigasyon ng Senado dahil sa kawalan ng mahigpit na regulasyon at sa pangambang mas maraming Pilipino ang malulong sa sugal at maging dahilan ng pagtaas ng krimen.

Facebook Comments