Friday, July 17, 2026

KABATAANG MANAOAGUEÑO, INIHAHANDA BILANGMGA COMMUNITY RESPONDERS

KABATAANG MANAOAGUEÑO, INIHAHANDA BILANG MGA COMMUNITY RESPONDERS

Mas pinalalakas ng Lokal na Pamahalaan ng Manaoag ang partisipasyon ng kabataan sa pagpapanatili ng kaligtasan at kahandaan sa sakuna sa pamamagitan ng planong pagbuo ng Junior Community Responders Organization (JCRO).

Tinalakay noong July 13, 2026 ang mga kinakailangang dokumento para sa pagbuo ng organisasyon, kabilang ang draft Memorandum of Understanding (MOU), resolusyon, membership application forms, at activity plan.

Layunin ng JCRO na sanayin at hikayatin ang mga mag-aaral na maging aktibong katuwang ng pamahalaan sa pagsusulong ng kaligtasan, disaster preparedness, disiplina, at paglilingkod sa komunidad.

Dumalo sa pulong sina Mayor Jeremy Agerico “Doc Ming” Rosario, Councilor Nica Ching-Crisostomo, PMAJ Arnel Tamayo, Officer-in-Charge ng Manaoag Municipal Police Station na siyang nanguna sa pagpupulong, MDRRMO Officer Carlito Hernando, Municipal Health Officer Dra. Nicola Bethune-Malko, F/SInsp. Eric Catte, gayundin ang mga school head ng DepEd at mga itinalagang focal persons.

Sa pamamagitan ng planong organisasyon, inaasahang mas magiging handa ang mga kabataang Manaoagueño sa pagtugon sa mga emerhensiya at mas mapapalakas ang ugnayan ng mga paaralan at lokal na pamahalaan sa pagpapanatili ng ligtas at maayos na kapaligiran para sa mga mag-aaral. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments