Pakikisimpatya at pagkilos ng mga taga-suporta ni FPRRD, hindi pipigilan ng Malacañang

Hindi pipigilan ng Malacañang ang mga nakikisimpatya at pagkilos ng mga taga suporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon Palace Press Officer USec. Claire Castro, may karapatan ang sinuman na sumuporta, malungkot, magdalamhati, at magpahayag ng pagkadismaya sa pagkakaaresto kay sa dating pangulo.

Sa ngayon aniya, wala namang nakikita ang pamahalaan na nakakaalarmang sitwasyon o pagkilos ng mga taga-suporta ni Duterte.


Pero oras aniya na sumobra ito at puro kasinungalingan na ang ipinapakalat sa publiko at hahantong sa posibleng destabilisasyon laban sa pamahalaan ay hinding-hindi ito tutulugan ng gobyerno.

Pag-aaralan aniya nila kung papaano ito tutugunan ang posibleng gulo lalo’t sila sa pamahalaan, ay ginagawa lamang naman ang kanilang tungkulin.

Facebook Comments