Kontrobersyal na si PSSGT Mayo, posibleng mapawalang sala kapag naresolba ang 990kilo drug haul

Maaaring mapawalang-sala si Police Staff Sergeant Rodolfo Mayo sa mga kasong kanyang kinakaharap kaugnay ng kontrobersyal na 990-kilos biggest drug haul noong 2022.

Ayon kay Philippine National Police (PNP0 Spox at PRO3 RD PBGen. Jean Fajardo ito’y dahil sinadya o isinadula lamang ang pagkakaaresto kay Mayo.

Aniya, malinaw sa cctv footage ang bawat kilos at galaw ng mga sangkot na pulis na nagpapakita lamang sa iregularidad ng kanilang operasyon.


Sinabi pa ni Fajardo na maituturing sanang malaking accomplishment sa bahagi ng PNP ang pagkakasabat sa halos isang toneladang shabu kung hindi lamang ito nabahiran ng katiwalian ng mga sangkot na pulis.

Malinaw kasi na mayroong deliberate attempt na pagtakpan ang kaso, at may basehan din ang planting of evidence na isinampa laban sa mga akusado.

Sa ngayon 22 sangkot na pulis na ang nasa kustodiya ng PNP habang patuloy pa rin pinaghahanap ang walong akusado na kinabibilanga ng 3 aktibo sa serbisyo, tatlong retired, isang resigned at isa ang dismissed sa serbisyo.

Facebook Comments