
Ibinunyag ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Representative Antonio Tinio ang pananatili ng pork barrel sa panukalang 2027 national budget.
Kaya naman babala ni Tinio sa publiko, asahan na ang malawakang insertions sa pambansang pondo sa susunod na taon lalo na sa budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Tinukoy ni Tinio na ang plano ng DPWH na magsumite ng institutional amendments sa National Expenditure Program ay hindi simpleng pag-amyenda sa nauna nitong isinumite kundi pagpapasok ng mga proyekto na For Later Release (FLR) ang pondo.
giit ni Tinio, patunay ito na kahit nagpapatupad ng reporma sa budget process ay nananatili pa rin ang pork barrel system dahil nailulusot pa rin ang mga congressional amendments, insertions at iba pa.
Bunsod nito ay tiniyak ni Tinio na mahigpit nyang bubusisiin ang DPWH budget lalo na ang alokasyon para sa pagpapatayo ng mga silid-aralan.










