Saturday, August 29, 2026

Pagkakakilanlan ng informants, mananatiling protektado sa bagong patakaran sa confidential funds — Malacañang

Walang nakikitang problema ang Malacañang sa confidentiality ng mga impormante sa planong pagbabago sa paggamit ng confidential at intelligence funds.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, may patakaran ang Commission on Audit (COA) na nagpoprotekta sa pagkakakilanlan ng mga informant na maaaring masangkot sa imbestigasyon.

Aniya, malinaw sa Joint Memorandum Circular 2015-01 na hindi dapat ilantad ang identity ng mga impormante.

Nakapaloob din sa patakaran na ang mga supporting documents ay dapat ilagay sa sealed envelope at itago sa vault ng ahensiya.

Tanging kapag may kuwestiyon sa paggamit ng pondo saka lamang maaaring ilabas ang mga dokumento.

Facebook Comments