Malacañang, nanatiling bukas sa mga concern ng transport groups may kaugnayan sa isinusulong na jeepney modernization

Tiniyak ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil na laging bukas ang Malacañang para sa anumang mga katanungan mula sa mga nasa grupo ng transportasyon partikular kung may kinalaman sa jeepney modernization.

Sa panayam, sinabi ni Secretary Garafil na kung sa tingin ng mga nasa transport group na may dapat pang linawin kaugnay sa usapin, nakahanda aniyang makinig ang Palasyo.

Sa katunayan, inihayag ni Garafil na maaaring dumiretso ang transport groups kay Executive Secretary Lucas Bersamin para sa anumang concern.


Sa ganitong set up aniya ay parang si Pangulong Bongbong Marcos ang humarap at tumingin sa anumang sentimyento ng mga nasa sektor ng transportasyon.

Sinabi ni Garafil ito ang paraan ng administrasyon para direktang pakinggan hindi lamang ang hinaing kundi maging ang suhestiyon na magmumula sa grupo ng transportasyon.

Facebook Comments