Malacañang, nanindigang hindi pa rin makikipagtulungan sa ICC hinggil sa war on drugs ng administrasyong Duterte

Hindi pa rin nagbabago ang posisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na wala nang jurisdiction ang International Criminal Court (ICC) sa bansa, dahil kumalas ito Rome statute.

Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, hindi pa rin makikipagtulungan ang Pilipinas sa ICC taliwas sa pahayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na makikipag-usap at magkakaroon sila ng kooperasyon sa ICC kaugnay sa war on drugs ng administrasyong Duterte.

Pero paglilinaw ng kalihim, hindi nila pipigilan sakaling humingi ng tulong ang ICC sa Interpol para arestuhin o isailalim sa kanilang kustodiya ang isang indibidwal.


Kailangan aniya nilang tumugon dito bilang respeto sa pagkakaibigan dahil nakikinabang din dito ang Pilipinas pagdating sa ibang kaso.

Facebook Comments