Malacañang, naghugas kamay sa mga blank items sa Bicam report; Kongreso, itinuro ng Palasyo na dapat kwestyunin sa isyu

“Wala kaming kinalaman diyan”

Ito ang naging tahasang pahayag ng Malacañang laban sa alegasyon ng mga blangkong items ng Bicam report hinggil sa 2025 national budget.

Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, wala silang pananagutan sakaling ituloy ng ilang mambabatas na idulog ang bagay na ito sa Korte Suprema.


Ang tinutukoy aniya ni Cong. Isidro Ungab ay Bicam report at hindi ang pinal na bersyon ng budget na isinumite sa pangulo.

Kaya naman hindi aniya sila sangkot dito at hindi nakinabang dito ang palasyo dahil ito ay internal na problema na ng Kongreso, at ang dapat tanungin ay ang mga senador at kongresista.

Gayunpaman, malaya naman daw ang mga indibidwal na nagpaplanong iakyat ang usapin sa korte, pero ngayon pa lamang ay iginiit ng Palasyo na wala naman kasing kamay ang ehekutibo o ang Office of the President sa Bicam report.

Facebook Comments