Friday, September 11, 2026

Magkapatid na Cayetano, sana ay bumalik agad sa bansa

Umaasa si Manila Representative Bienvenido “Benny” Abante Jr., na babalik din agad sa bansa ang magkapatid na sina Senator Alan Peter at Pia Cayetano.

Sabi ni Abante, mahalagang patuloy na makadalo sa impeachment trial ang magkapatid na Cayetano at makibahagi sa botohan sa pagbibigay ng hatol kay Vice President Sara Duterte.

Tinukoy ni Abante na may punto ang tanong ni Senator-judge Erwin Tulfo kung ilan ba talaga ang dapat na threshold o bilang ng boto na kailangan sa pagbibigay ng hatol sa impeachment case ni VP Duterte.

Ito ay dahil dumarami ang mga senador na hindi nakakadalo sa paglilitis sa iba’t ibang kadahilanan at posibleng hindi rin makalahok sa botohan.

Kabilang dito sina Senators Rodante Marcoleta at Jinggoy Estrada na parehong nakakulong, Senator Ronald Bato Dela Rosa na nagtatago habang bukod kina senators Pia at Alan Cayetano ay nasa ibang bansa rin si Senator Loren Legarda.

Facebook Comments