Saturday, August 1, 2026

Sen. Ping Lacson, iginiit na totoong humiling ng ceasefire si Sen. Alan Peter Cayetano

Nanindigan si Senator Ping Lacson na si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano talaga ang humiling ng ceasefire sa kanya.

Ito ang balik na sagot ni Lacson sa pagtanggi ni Cayetano na humiling siya ng ceasefire sa senador matapos ang pagsisiwalat sa mga ghost projects sa Taguig City.

Tanong ni Lacson ay kung nasaan ang sinseridad ni Cayetano na nagalok ng ceasefire pero sa huli ay itatanggi.

Sinabi ni Lacson na noong nakaraang Miyerkules ay nasa limang myembro ng mayorya ang kinausap ni Cayetano para iparating ang hirit na ceasefire at para sa pagsisimula ng trabaho.

Pagdating ng linggong ito ay lalo pang tumindi ang hakbang ni Cayetano at nagfocus sa isang senador para maiparating kay Lacson ang nais.

Giit ni Lacson na lalo lamang inilubog ni Cayetano ang sarili matapos itanggi ang hiling na ceasefire dahil nagdulot lamang ito ng pagdududa ng publiko sa kanyang sinseridad.

Facebook Comments