
May babala ang Malacañang sa mga mga pulitiko na gumagamit ng Emergency Cell Broadcast System (ECBS) para sa pangangampanya.
Ang ECBS ay isang mahalagang instrumento ng pamahalaan sa pagbibigay ng agarang babala tuwing may sakuna tulad ng lindol, bagyo, o iba pang panganib.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, ang naturang sistema ay dapat gamitin lamang sa mga tunay na sitwasyong pang-emergency gaya ng mga kalamidad at hindi dapat inaabuso para sa kampanyang pulitikal.
Nagsasagawa na aniya ng imbestigasyon ang Department of Information and Communications Technology (DICT) at National Telecommunications Commission (NTC) kaugnay ng insidente.
Giit ni Castro, pananagutin ng pamahalaan ang sinumang mapapatunayang lalabag dito kaugnay ng maling paggamit ng nasabing teknolohiya kung saan kapag napatunayan aniyang may gumagawa nito ay maaari itong sampahan ng kaso.