PBBM, nababahala sa bagong insidente ng pangha-harass ng China sa WPS

Naaalarma si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa panibagong insidente ng pangha-harass ng China sa mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Kamakailan ay muli na namang nagsagawa ng dangerous manuevers ang Chinese Coast Guard (CCG) sa mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG) sa karagatang malapit sa Zambales at muntik pa itong magbanggaan.

Pero ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, sa kabila ng mga harrassment na ito ng China, dapat pananatilihin pa rin ng Pilipinas ang pagiging propesyunal sa pagtugon sa isyu.

Kaakibat rin aniya nito ang pag-iral ng matapang na diwa ng pagka-makabansa.

Matatandaang sinabi ng Philippine Coast Guard na kada oras ang ginawa nilang radio challenge sa Chinese Coast Guard para igiit na hindi kinikilala ng Maynila ang claims ng Beijing sa lugar.

Ipagpapatuloy rin anila ng kanilang hanay ang mga ganitong pagtugon, upang malaman ng international community na ang Pilipinas, hindi hinahayaan na i-normalize ng China ang kanilang iligal na pagpa-patrolya sa rehiyon.

Facebook Comments