
Inilabas na ng Commission on Elections (Comelec) ang supplemental resolution na nagpapalawig sa saklaw ng Anti-Discrimination and Fair Campaigning Guidelines para sa 2025 National and Local Elections.
Batay sa inaprubahang supplemental resolution, itinuturing na safe spaces ang mga aktibidad na may kaugnayan sa halalan tulad ng campaign rallies, caucuses, polling places, presinto, canvassing center at election related platforms kasama na ang social media.
Inirekomenda naman na idagdag sa mga election offense ang child abuse; diskriminasyon; incitement; immoral doctrines, pagpapakita at pagpapalabas ng mga hindi at racial discrimination.
Bawal din ang paggamit ng mga bastos o foul language at ang panlalait sa kapwa dahil ituturing na rin itong election offense.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, tugon ito ng poll body sa mga insidente ng hindi tamang asal ng mga kandidato habang nangangampanya.
Samantala, hindi na rin papayagan ang mga campaign jingle ng mga kandidato na may double meaning.
Ang binuong special Task Force on Safeguarding Against Fear and Exclusion in Elections (Task Force SAFE) ang naatasang tumanggap ng mga reklamo, maglabas ng show cause orders, magsagawa ng imbestigasyon at magdaos ng clarificatory hearings kung kinakailangan.
Maaaring maharap sa disqualification ang kandidatong mapapatunayang lumabag dito.