MALAY PNP NAKATANGGAP NG BAGONG SASAKYAN AT MGA GAMIT

Malay, Aklan – Pinangunahan ni Malay Chief of Police PLTCOL. Don Dicksie L. De Dios ang pagpresenta ng mga bagong natanggap na sasakyan, bala at kagamitan sa Malay plaza, Poblacion, Malay, Aklan ngayong umaga. Bilang bahagi ng PNP Capability Program, ang Malay PNP ay nakatanggap ng isang (1) Toyota Hi-Lux single cab, isang (1 ) Honda XR Motorcycle, at isang (1) E-Bike. Samantala, siyam (9) naman na Body Worn Cameras (BWC) ang ibinigay ni Malay Mayor Frolibar Bautista at 12, 750 rounds ng training ammunition mula sa Arms Corporation of the Philippines. Nasa nasabi ring aktibidad si Hon. Frolibar S. Bautista, Malay MLGOO Mr. Mark Delos Reyes, Pastor Jimmy E. Medina na nanguna sa dedication at mga Department Heads ng LGU-Malay. Ayon kay PLTCOL. De Dios na itong mga bagong natanggap na sasakyan at kagamitan ay gagamitin bilang dagdag suporta para palakasin ang police operation ng Malay PNP. Nagpasalamat rin sya sa LGU-Malay lalo na kay Mayor Bautista sa kanyang full support sa Malay PNP.
Facebook Comments